Animal Bite Center ng Navotas City sarado muna simula ngayong araw

Simula ngayong araw, July 6 pansamantalang isasara muna ang Animal Bite Center sa Navotas City.

Ito ay dahil isasailalim sa COVID-19 testing ang lahat ng empleyado ng center.

Ayon sa abiso ng Navotas City LGU, lahat ng empleyado ay kailangang mag-quarantine pagkatapos ng kanilang test.

Sa mga residente ng lungsod na nakalmot o nakagat ng aso o pusa pinapayuhan silang magpakonsulta muna sa San Lazaro Hospital.

 

 

Read more...