Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 11.5 million na
Umakyat na sa mahigit 11.5 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa pinakahuling datos, mahigit 11,547,000 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 172,000 na bagong kaso sa magdamag.
Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na mahigit 2,981,009.
Sa magdamag ay mahigit 42,000 ang naitalang bagong kaso sa US.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 1,604,585
India – 697,836
Russia – 681,251
Peru – 302,718
Spain – 297,625
Chile – 295,532
UK – 285,416
Mexico – 252,165
Nahigitan na ng India ang Russia sa dami ng mga kaso, habang ang Peru ay nahigitan naman na ang Spain.
Ang Mexico ay tumaas din ang bilang ng kaso ng COVID-19 ay pang-siyam na ngayon sa mga bansang may pinakamaraming kaso.
Nahigitan na ng Mexico ang Italy at Iran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.