Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City, 1,086 na
Nadagdagan pa ng 112 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.
Sa inilabas na update hanggang Linggo ng gabi July 5), kabuuang 1,086 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Naitala ang mga bagong kaso sa mga barangay Bambang, Calzada, Central Bicutan, Central Signal, Fort Bonifacio, Lower Bicutan, New Lower Bicutan, North Daang Hari, North Signal, Palingon, Pinagsama, South Signal, Upper Bicutan at Western Bicutan.
Pinakaraming naitalang kaso ng sakit sa bahagi ng Barangay Fort Bonifacio na umabot na sa 174.
Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:
– Bagumbayan – 40
– Bambang – 17
– Calzada – 34
– Hagonoy – 14
– Ibayo-Tipas – 30
– Ligid-Tipas – 22
– Lower Bicutan – 146
– New Lower Bicutan – 49
– Napindan – 5
– Palingon – 4
– San Miguel – 17
– Sta. Ana – 24
– Tuktukan – 20
– Ususan – 60
– Wawa – 15
– Central Bicutan – 24
– Central Signal – 20
– Katuparan – 9
– Maharlika Village – 17
– North Daang Hari – 50
– North Signal – 17
– Pinagsama – 67
– South Daang Hari – 42
– South Signal – 40
– Tanyag – 11
– Upper Bicutan – 46
– Western Bicutan – 72
Nasa 167 na mga pasyente na ang gumaling na sa lungsod habang 23 na ang pumanaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.