Dahil dito, pansamantalang, isasara muna ang Out Patient Department ng City Health Office para magbigay-daan sa gagawing decontamination at disinfection.
Ayon sa abiso ng Antipolo City Local Government Unit (LGU) isang doktor at dalawang nurse ang nagpositibo sa sakit.
“Pansamantala po muna isasara ang Out Patient Department (OPD) ng City Health Office upang magbigay daan sa isasagawang decontamination at disinfection matapos magpositibo sa COVID ang 3 medical frontliners (1 doktor at 2 nurses) na naka-assign dito,” ayon kay Antipolo City Mayor Andeng Ynares.
Sinabi ni Ynares na ang tatlo ay nakasailalim na sa mandatory quarantine.
Napasuri na rin ang mga naging close contacts ng tatlo.
Magbabalik serbisyo ang CHO-OPD sa lalong madaling panahon, habang ang ibang tanggapan sa City Hall ay mananatiling bukas sa publiko.