45 pang tauhan ng MRT-3 kabilang ang 4 na ticket sellers nagpositibo sa COVID-19
Nadagdagan pa ang bilang ng mga tauhan ng MRT-3 na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa datos, 45 pang tauhan ng MRT-3 kabilang ang apat na ticket sellers ang nagpositibo sa sakit.
Sa apat na ticket sellers na nagpositibo, dalawa ang nakatalaga sa Cubao Station at isa sa North Avenue at ang isa ay ‘reserve’.
Mayroon ding isang nurse at train driver na nagpositibo.
Ayon kay Transport Assistant Secretary Goddess Libiran, hanggang kahapon, June 5 ay umabot na sa 172 ang kabuuang bilang ng mga MRT personnel na nagpositibo sa COVID-19.
Lahat ng nagpositibo ay nasa quarantine facilities sa World Trade Center, Philippine Arena, at PhilSports Arena.
Required na ngayon ang mga tauhan ng MRT-3 sa lahat ng istasyon nito na magsuot ng PPE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.