MRT-3 balik-operasyon na ngayong araw matapos ang weekend rail replacement

Bibiyahe na muli ang MRT-3 ngayong araw matapos ang tigil-operasyon noong Sabado at Linggo para bigyang-daan ang rail replacement.

Pero dahil sa pagdami ng mga tauhan sa MRT-3 depot na tinamaan ng COVID-19 mas mababa na ang bilang ng mga tren na bibiyahe simula ngayong araw.

Ayon sa abiso ng DOTr MRT-3, 11 tren lamang ang bibiyahe kabilang na ang dalawang Dalian train sets.

Sa pagbubukas kaninang alas 5:00 ng umaga, pitong tren ng MRT-3 ang operationa at lima ang agad nai-deploy sa linya.

Mas maraming bus naman sa ilalim ng MRT-3 Bus Augmentation Program at EDSA Busway service ang ide-deploy para masakyan ng mga pasahero.

Ang mga susunod na weekend na titigil sa operasyon ang MRT para sa rail replacement ay sa August 8-9, August 21-23 at September 12-13.

 

 

Read more...