Ayon sa PAGASA, easterlies ang umiiral na weather system sa bansa partikular sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon mainit at maalinsangang panahon ang iiral na mayroong pag-ulan dulot ng thunderstorm sa hapon o gabi.
Ang Vsayas at Mindanao naman ay makararanas din ng maalinsangang panahon at pag-ulan sa hapon o gabi dahil din sa thunderstorm.
Ayon sa PAGASA, sa Mindanao, mas malalakas ang mararanasang pag-ulan dahil sa thunderstorm at posibleng humigit ng dalawang oras.
Wala namang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa kaya malayang makapaglalayag ang mga mangingisda.