Matapos ang ilang linggong pagtaas, presyo ng produktong petrolyo bababa ngayong linggo
May inaasahang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Ito ay matapos ang ilang magkakasunod na linggong dagdag presyo simula pa noong buwan ng Mayo.
Tinatayang nasa 70 hanggang 80 centavos ang mababawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Habang 30 hanggang 40 centavos naman ang inaasahang bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Posible namang walang maging paggalaw sa presyo ng diesel.
Ngayong araw iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang eksaktong halaga ng ipatutupad nilang bawas presyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.