Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 392 na

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Linggo, July 5, 3PM), nakapagtala ng 22 na bagong kaso kaya umabot na sa 392 ang bilang ng active cases sa lalawigan.

Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:

San Pedro (Larger Community) – 42
San Pedro (BJMP) – 53
Biñan (Larger Community) – 105
Biñan (PNP Custodial Facility) – 1
Biñan (BJMP) – 11
Santa Rosa – 68
Calamba – 31
Los Baños – 7
Cabuyao – 30
San Pablo – 6
Santa Cruz – 2
Bay – 6
Calauan – 16
Alaminos – 5
Victoria – 2
Nagcarlan – 2
Liliw – 1
Majayjay – 1
Cavinti – 1
Paete – 1
Siniloan – 1

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nanatili sa 60.

Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 567.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 1,019 kung saan 23 ang nadagdag.

Samantala, nasa 1,552 naman ang bilang ng suspected cases at 78 ang probable cases.

 

 

Read more...