May isa pang napaulat na bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol region.
Ayon sa Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, ang bagong kaso ay isang 23-anyos na lalaki mula sa Legazpi City, Albay.
Nagmula ang pasyente sa Maynila at dumating sa Bicol noong June 29.
Sinabi ng DOH CHD – Bicol na asymptomatic ang pasyente at nananatili na sa LGU quarantine facility.
Dahil dito, umabot na sa 155 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa Bicol.
Sa nasabing bilang, 71 pa ang aktibong kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.