Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Linggo ng hapon (July 5), umabot na sa 44,254 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sinabi ng kagawaran na 2,434 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 1,147 ang “fresh cases” habang 1,287 ang “late cases.”
“As the country continues to ease community quarantine measures, the rise in the number of cases today may be attributed to the increased contact among the population,” paliwanag ng kagawaran.
Nasa pito pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,297 na.
Ayon pa sa DOH, 489 pa ang gumaling sa bansa sa naturang sakit.
Dahil dito, umakyat na sa 11,942 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.