BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 44,000 na; Halos 2,500 ang nadagdag
Nadagdagan nang halos 2,500 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Linggo ng hapon (July 5), umabot na sa 44,254 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sinabi ng kagawaran na 2,434 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 1,147 ang “fresh cases” habang 1,287 ang “late cases.”
“As the country continues to ease community quarantine measures, the rise in the number of cases today may be attributed to the increased contact among the population,” paliwanag ng kagawaran.
Nasa pito pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,297 na.
Ayon pa sa DOH, 489 pa ang gumaling sa bansa sa naturang sakit.
Dahil dito, umakyat na sa 11,942 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.