Higit 50 pang Filipino sa abroad, nagpositibo sa COVID-19 – DFA
Mahigit 50 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 5, umakyat na sa 8,679 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 62 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,901 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
5,201 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, 577 na ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,304 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,015 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 697 naman ang kaso sa Americas at 663 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.