Serye ng matagumpay na drug buy bust ops, dahil sa koordinasyon ng PNP at PDEA

By Isa Avendaño-Umali February 23, 2016 - 12:55 PM

sarmientoIkinalugod ni Department of Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento ang pinakabagong drug buy bust operation sa Maynila, kung saan timbog ang tatlong Chinese nationals at dalawang Pilipino.

Sa press conference kanina ni Sarmiento, nagkaroon na ng magandang koordinasyon sa pagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, Philippine National Police at iba pang units o ahensya ng gobyerno kaya naging matagumpay ang buy bust operations sa iba’t ibang panig ng Metro Manila at bansa.

Umaasa si Sarmiento na magtutuloy tuloy ang ganoong sistema kung saan nag uusap usap ang lahat, at hindi na magiging isyu kung anong ahensya ang nararapat na magsagawa ng operasyon.

Sa panig naman ni Quezon City Police District o QCPD Chief Edgardo Tinio, halos isang buwan nilang minanmanan ang mga suspek hanggang sa naisagawa na ng QCPD, District Anti Illegal Drugs-Special Operation Task Group o AID-SOTG at Special Operations Unit o SOU ang drug buy bust operations.

Umikot umano ang transakyon ng grupo sa Caloocan, Quezon City, Maynila, Cavite at Central Luzon.

Limang kilong shabu na may halagang 15 million pesos ang nakumpiska mula sa mga suspek, pati na rin anb isang milyong pekeng salapi at mga cellphone nila, sa operasyon sa Harborview parking lot, malapit sa Quirino Grandstand.

Daldalhin sa PNP crime laboratory ang mga nasabat sa mga nahuling Chinese nationals at Pilipino, at inihahanda na rin ang mga kaso na isasampa laban sa kanila.

TAGS: buy bust operation, DILG Secretary Mel Senen Sarmiento., PNP at PDEA, buy bust operation, DILG Secretary Mel Senen Sarmiento., PNP at PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.