Ayon sa pamunuan ng MRT-3, bahagi ito ng malawakang rail replacement activities sa araw ng Linggo, July 5.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) at MRT-3 na may inihandang 90 na bus para umasiste sa mga pasahero sa ilalim ng MRT-3 Bus Augmentation program.
Oras na matapos ang rail replcement works sa September 2020, inaasahan na anilang tataas ang MRT-3 train operating speed mula 40 kilometers per hour hanggang 60 kilometers per hour.
Bababa rin ang oras sa pagitan ng mga tren o headway sa 3.5 minuto sa Disyembre 2020.
Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na magkakaroon muli ng weekend shutdown sa August 8 hanggang 9, August 21 hanggang 23 at September 12 hanggang 13.