LOOK: Rail replacement activities sa MRT-3 North Avenue station, July 5
Tuluy-tuloy pa rin ang pagpapalit ng turnout 20A at 20B sa MRT-3 North Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP at Joratech Corporation.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, bahagi ito ng malawakang rail replacement activities sa araw ng Linggo, July 5.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) at MRT-3 na may inihandang 90 na bus para umasiste sa mga pasahero sa ilalim ng MRT-3 Bus Augmentation program.
Oras na matapos ang rail replcement works sa September 2020, inaasahan na anilang tataas ang MRT-3 train operating speed mula 40 kilometers per hour hanggang 60 kilometers per hour.
Bababa rin ang oras sa pagitan ng mga tren o headway sa 3.5 minuto sa Disyembre 2020.
Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na magkakaroon muli ng weekend shutdown sa August 8 hanggang 9, August 21 hanggang 23 at September 12 hanggang 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.