Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 533,000 na

Pumalo na sa mahigit 533,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 533,474 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 132,318.

Sumunod na rito ang Brazil na may 64,365 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 44,198 naman ang death toll sa United Kingdom habang 34,854 ang napaulat na nasawi sa Italy.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 30,366
– France – 29,893
– Spain – 28,385
– India – 19,279
– Iran – 11,408
– Peru – 10,412
– Russia – 10,027
– Belgium – 9,771
– Germany – 9,081
– Canada – 8,674
– Chile – 6,192
– Netherlands – 6,113

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 11,382,890 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 6,440,085 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...