Aabot sa 43 Agrarian Reform beneficiaries ang nakatanggap ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa Brgy. Wawa, Siniloan, Laguna.
Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, aabot sa 38.7 ektaryang lupa ang naipamigay sa mga magsasaka.
“May dala po kaming regalo sa inyo. Kami na po ang nagdala mismo dahil ito ang bilin ng Pangulo na ilapit namin sa inyo ang gobyerno,” pahayag ni Castricones.
Ayon kay Castriciones, patuloy na pagsusumikapan ng pamahalaan na matulungan ang mga magsasaka.
“This is the first time that DAR has done this, it is fulfilling and it’s worth it,” pahayag nin Castriciones.
Maiyak-iyak naman na tinanggap ng mga magsasaka ang mga CLOA.
Ayon kay Ernesto Nringas, isa sa nga benepisyaryo, malaking tulong sa kanila ang lupang sakahan.
“Sana gumawa ng paraan ang pamahalaan na matigil ang pamimili ng lupa ng mga dayuhan sa aming lugar. Nangangamba po ako na baka dumating ang araw na ang lupa ng Pilipinas ay pag-aari na ng mga banyaga. Hiniling ko din po na huwag ng pigilan ang mga pulis at military ang mga magsasaka na lumabas sa kanilang mga sakahan sapagkat ngayon ay panahon na ng taniman.” Pahayag ni Bringas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.