Dagdag na 37 Filipino sa abroad, gumaling sa COVID-19 – DFA
Nasa 38 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 4, umakyat na sa 5,200 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit.
Nasa 8,629 naman ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 62 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,866 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Samantala, dalawa naman ang pumanaw pa kung kaya 563 na ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,256 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 1,013 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 697 naman ang kaso sa Americas at 663 sa Asia Pacific Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.