BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 41,830 na; Halos 1,500 ang nadagdag

Nadagdagan nang halos 1,500 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (July 4), umabot na sa 41,830 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 27,983 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,494 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 403 ang “fresh cases” habang 1,091 ang “late cases.”

Nasa 10 pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,290 na.

Ayon pa sa DOH, 235 ang gumaling pa sa 380 sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 11,453 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...