Nagawang swab test sa Maynila, umabot na sa 14,893

By Angellic Jordan July 04, 2020 - 02:57 PM

Umabot na sa 14,893 ang naisagawang swab test sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, naitala ang nasabing datos hanggang 12:00, Biyernes ng tanghali (July 3).

Nasa 205 ang nagawang swab test sa nasabing petsa.

Samantala, 147,071 naman ang naisagawang rapid test sa lungsod hanggang 12:00, Biyernes ng tanghali (July 3).

Tiniyak ng alkalde na walang bayad ang mga residente ng lungsod sa pagsailalim sa nasabing pagsusuri sa COVID-19.

Nagpasalamat din si Moreno sa frontliners na patuloy na nagiging agresibo sa pagsusuri para maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.

TAGS: COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 testing, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, rapid testing in Manila, swab testing in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 testing, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, rapid testing in Manila, swab testing in Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.