Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

By Angellic Jordan July 04, 2020 - 02:50 PM

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:39 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Laguna at Bulacan.

Uulanin din ang Mariveles, Bataan at Nasugbu, Batangas.

Maaapektuhan din ang Quezon partikular ang Tagkawayan, Lopez,at Alabat; Cavite sa Maragondon, Magallanes at Ternate.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory July 3, weather update July 3, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory July 3, weather update July 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.