Pangamba ng Bangsamoro leaders sa Anti-Terrorism Law pinawi ng Malakanyang

Nakarating na sa Palasyo ng Malakanyang ang concern ng Bangsamoro leaders sa Anti-Terrorism Law.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, batid ng Palasyo ang mga pangamba na ang batas ay maaring magresulta sa pang-aabuso.

Pero maari aniyang na-prejudged lamang ang anti-terror bill.

Ani Roque, walang tinatarget na partikular na regional o ethnic group ang Anti-terror law.

Hindi aniya kailanman sumagi sa isip ng mga proponent ng batas na magpasa ng legislation laban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang anti-terror law ayon kay Roque ay laban sa mga terorista at sa terorismo.

 

 

Read more...