Mga senador pinapurihan si Pangulong Duterte sa paglagda sa Anti-terror bill
Timely at historic.
Ganito inilarawan ng ilang senador ang pagkakapasa sa Anti-terror bill bilang isang ganap na batas.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, sa kabila ng lahat ng pressure mula sa iba’t ibang grupong tumututol sa panukala ay nagkarooon ng matibay na political will si Pangulong Duterte para ito ay isabatas.
Ani Lacson, hindi niya nakikitang maipapasa ang nasabing batas sa ilalim ng ibang administrasyon.
Isa si Lacson sa mga principal authors ng panukalang batas sa Senado.
Para naman kay Senate President Tito Sotto III, nakita ng pangulo ang kahalagahan ng batas.
Puno aniya ng “safeguards” ang batas laban sa mga terorista.
Makasaysayan naman para kay Senator Francis Tolentino ang pagkakapasa ng batas.
Pinalalakas ng Anti-terror law ang Human Security Act of 2007 at nagpapataw ng parusa sa mga nagpaplanong at naghahandang maghasik ng terorismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.