Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 2,818

By Mary Rose Cabrales July 03, 2020 - 07:56 PM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (July 3, 3:00 PM) nakapagtala ng 87 na bagong kaso kaya pumalo na sa 2,818 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 701
Laguna – 913
Batangas – 340
Rizal – 695
Quezon – 169

Nasa 1,437na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 3 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 257
Laguna – 488
Batangas – 199
Rizal – 362
Quezon – 131

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 2 kaya ito ay umabot na sa 208.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 45
Laguna – 46
Batangas – 32
Rizal – 74
Quezon – 11

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

TAGS: calabarzon, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, calabarzon, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.