COVID-19 cases sa Mandaluyong City, 1,024 na

Pumalo na sa 1,024 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang alas 3:00 ng hapon ng Biyernes, (July 3), 24 ang bagong napaulat na kaso ng sakit sa lungsod.

Sa 1,024 na kaso ay 247 ang aktibo.

128 ang itinuturing na probable cases habang 756 ang suspected cases kung saan 3,877 ang cleared na.

Nadagdagan naman ng pito ang mga bagong gumaling.

Dahil dito, 711 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Nasa 66 na residente ng Mandaluyong pa rin ang pumanaw dahil sa COVID-19.

 

 

 

Read more...