BREAKING: Anti-terror bill nilagdaan na ni Pangulong Duterte bilang ganap na batas
By Dona Dominguez-Cargullo July 03, 2020 - 06:06 PM
Sa kabila ng mga protesta at pagtutol isa nang ganap na batas ang anti-terror bill.
Kinumpirma ni Presidential spokesman Harry Roque sa INQUIRER.net na nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang anti-terror bill.
Ang anti-terror bill ay layong palakasin ang Human Security Act of 2007.
Sa ilalim ng batas, pinapayagang maipakulong ang mga suspek sa terorismo ng hanggang 24 na araw kahit wala pang naisasampang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.