Pagdinig sa franchise renewal ng ABS-CBN posibleng tapusin na sa Lunes

By Erwin Aguilon July 03, 2020 - 05:59 PM

Maaring matapos na sa araw ng Lunes ang ginagawang pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises at House Committee on Good Government and Public Accountability sa renewal ng prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.

Ayon kay Legislative Franchises Chairman at Palawan Rep. Franz Alvarez, isang isyu na lamang ang kanilang tatalakayin sa Lunes at ito ay ang may kaugnayan sa bintang na political bias sa Lopez-led broadcast network.

Kung matatapos anya ang pagtatanong ng mga kongresista ay malaki ang tsansa na tatapusin na nito ang pagdinig sa Lunes.

Sa tanong naman kung kailan maaring magpasya ang Kamara kung ibabasura o pagbibigyan ang hiling na prangkisa ng ABS-CBN sabi ni Alvarez hindi niya ito alam.

Posible anya na tumagal pa ito sa dami ng kongresista na mag interpelate.

Sa mga nakalipas na pagdinig inungkat ang foreign ownership ng isa sa dati nitong opisyal na si Gabby Lopez.

Humarap din ang mga dati nito mga naging empleyado kasama na ang dating reporter na si Wheng Hidalgo na nanilbihan sa kumpanya ng mahigit isang dekada pero hindi naregular.

Inungkat din ang pagbabayad nito buwis at ang pagiging PEZA registered ng isa nitong subsidiary.

Sa pinakahuling pagdinig humarap ang kinatawan ng Amcara Broadcasting Network dahil sa kwestyunableng blocktime-arrangements nito sa ABS-CBN at paggamit ng kapamilya network sa Channel 43 sa TV Plus na nakaassign o hawak ng Amcara Broadcasting.

 

 

 

TAGS: ABS-CBN, House Committee on Legislative Franchises, ines, Inquirer News, legislative franchise, News in the Philippines, news in the philippradyo inquirer, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ABS-CBN, House Committee on Legislative Franchises, ines, Inquirer News, legislative franchise, News in the Philippines, news in the philippradyo inquirer, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.