88 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Cebu City

Umabot na sa mahigit 5,800 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Cebu City.

Ngayong araw ay nakapagtala pa ng 88 na dagdag na bagong kaso sa lungsod.

Dahil dito sumampa na sa 5,824 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cebu City.

Sa nasabing bilang, 3,046 ang mga gumaling na. Ito ay makaraang makapagtala ng 61 na bagong recoveries.

Habang 2,567 pa ang aktibong kaso.

Nakapagtala naman ng 138 pang panibagong nasawi kaya umakyat na sa 211 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod.

 

 

Read more...