Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Biyernes ng hapon (July 3), umabot na sa 40,336 ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos 1,531 pa ang nadagdag na mga kaso.
Sa nasabing bilang, 688 ang “fresh cases” habang 843 naman ang “late cases.”
Malaking bilang ng “fresh cases” o 255 ay sa NCR at 138 ang mula sa Region 7.
Anim na pasyente pa ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,280 na.
Ayon pa sa DOH, mayroong 400 pa ang gumaling sa sakit.
Dahil dito, umakyat na sa 11,073 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.