Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin

Makararanas pa rin ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Ayon sa thunderstorm advisory ng PAGASA alas 4:12 ng hapon ng Biyernes, July 3 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Nueva Ecija, Bataan at Pampanga.

Ganitong lagay ng panahon na rin ang nararanasan sa Caloocan, Navotas, Valenzuela at Malabon; Pulilan, Calumpit, Bustos at Plaridel sa Bulacan; Maragondon sa Cavite; Nasugbu, Batangas; at sa Pagbilao at Atimonan, Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

 

 

Read more...