Prime Minister ng France na si Edouard Philippe nagbitiw sa pwesto
By Dona Dominguez-Cargullo July 03, 2020 - 04:19 PM
Nagbitiw sa pwesto si French Prime Minister Edouard Philippe.
Sa pahayag ni French President Emmanuel Macron, kinumpirma nito ang resignation ni Philippe.
Pero mananatili ang pagganap ni Philippe sa kaniyang tungkulin hangga’t walang naipapalit sa kaniya.
Ang pagbibitiw ni Philippe ay posibleng magresulta sa reshuffle sa gobyerno ng France.
Si Macron, bilang main political figure ng France ang pipili ng magiging susunod na prime minister.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.