Stranded na dayuhang crew ng nakadaong na barko sa Manila bay isinailalim sa health check-up ng Red Cross
By: Dona Dominguez-Cargullo
- 4 years ago
Nagsagawa ng health check-up ang Philippine Red Cross sa mga stranded na dayuhang crew ng nakadaong na barko sa Manila Bay.
Base ito sa kahilingan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na asistihan ng Red Cross ang mga dayuhang crew ng barko.
Ayon sa Red Cross nag-deploy sila ng isang doktor at dalawang ambulance crew para maisailaim sa check-up ang mga stranded Spanish at Cuban seafarers.
Umabot sa 15 dayuhang crew ang naisailaim sa check-up.
Pinagkalooban din sila ng hygiene kits, standard relief goods at medications.