PUJs na wala pang QR Codes pwedeng bumiyahe ayon sa LTFRB
Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumiyahe ang mga traditional Public Utility Jeepneys (PUJ) simula ngayong araw, Jully 3 hanggang July 5 kahit wala pa silang QR Codes.
Hindi pa kasi nailalabas ng ahensya ang QR Codes na nakapaloob sa Memorandum Circular No. 2020-026.
Base sa naturang MC, ang QR Code ang magpapatunay na ang naturang PUJ ay pinapayagang bumiyahe sa kanilang ruta na kabilang sa 49 na rutang binuksan ng LTFRB.
Pinapaalala rin ng ahensya na walang kailangang bayaran ang mga PUJ operators para bumiyahe sa mga otorisadong ruta na nakalathala sa MC 2020-026.
Binanggit din ng ahensya na walang ipinapatupad na taas-pasahe sa pagbiyahe ng mga traditional PUJs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.