Sekyu na nang-hostage ng doktor sa East Avenue Medical Center positibo sa COVID-19

By Erwin Aguilon July 03, 2020 - 02:52 PM

Positibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang isang security guard na nang-hostage ng doktor sa East Avenue Medical Center.

Ayon kay Quezon City Police District Director Police Brigadier General Ronnie Montejo, dumanas ng paninikip ng dibdib ang suspek kaya dinala ng kanyang mga tauhan sa Quirino Memorial Medical Center.

Isinailalim ito sa swab test at doon napag-alaman na positibo ito sa nakamamatay na sakit.

Sampung pulis naman muna sa Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD ang naka quarantine ngayon.

Samantala, hindi maantala at tuloy pa rin ang operasyon sa emergency room ng East Ave., Medical Center dahil sa insidente.

Ayon kay Dr.willie Saludares ang
head ng emergency rm ng trauma department ng East Avenue Medical Center, ang pinagdalhan sa suspek ay bahagi ng emergency room kung saan nakasuot ng personal protective equipment, face mask at eye protector ang mga doctor at nurse kaya mababa ang risk na mahawa sila.

Gayunman, isasangguni anya nila ito
sa kanilang infectious disease specialist para matiyak ang kalusugan ng mga nakasalamuha ni Anchondo sa ER ng ospital.

Sinabi rin ni Saludares na regular
ang sanitation at disinfection ER at sa buong ospital kaya tuloy ang operasyon sa East Ave., Medical Center.

Magugunitang Miyerkules ng madaling araw nang dinala ng suspek ang kanyang sarili sa ospital matapos itong masugatan sa motorcycle accident.

Nang lapitan ito ng doktor ay kanya itong hinostake at tinutukan ng heringilya.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, East Avenue Medical Center, ER, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Security guard, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, East Avenue Medical Center, ER, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Security guard, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.