Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, “authorized” ang biyahe ni Roque dahil mayroon itong “business interest” sa Bataan .
Si Roque ay mayroong agricultural business sa lalawigan.
Sinabi pa ni Malaya na ang Subic ay nasa ilalim na ngayon ng modified general community quarantine (MGCQ) kung saan pinapayagan nang magbukas sa limitadong kapasidad ang mga tourist facility.
Dagdag pa ni Malaya si Roque ay isang APOR o authorized person outside of residence.
Ang mga larawan ni Roque habang nasa Ocean Adventure ay kumalat matapos ibahagi sa Facebook page.
Inalis naman ito agad sa Facebook pero marami nang netizen ang nakapag-grab nito.