Batangas uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang lalawigan ng Batangas.

Ayon sa thunderstorm advisory ng PAGASA ala 1:37 ng hapon ng Biyernes, July 3 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa lalawigan.

Ganitong lagay ng panahon na rin ang nararanasan sa mga bayan ng Tagkawayan, Atimonan, Padre Burgos, at Pagbilao sa Quezon at sa Los Banos, Laguna.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

 

 

 

Read more...