DepEd enrollees halos 18 milyon na

By Dona Dominguez-Cargullo July 03, 2020 - 01:39 PM

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na simula noong unang araw ng kasalukuyang buwan, umaabot na sa halos 18 milyon ang nagpa-enroll, mula Kindergarten hanggang Grade 12, para sa Academic Year 2020 – 2021.

Hanggang alas 9:00 ng umaga ng Biyernes, July 3, ay umabot na sa 17,823,077 ang total number of enrollees.

Sa naturang bilang 17,009,106 ang nag-enroll sa mga public schools at 795,952 naman ang nagpa-rehistro sa private schools.

Kasama sa mga nagpa-enroll ay ang mga sasailalim sa Alternative Learning System at non-graded learners with disabilities.

Base sa datos ng DepEd, 8,851,076 ang nagpa-enroll sa elementarya; 5,646,498 sa junior high school; 1,903,643 naman sa senior high school at 1,157,471 sa kindergarten.

Simula noong Hunyo 1, nagpatupad na ang kagawaran ng remote enrollment sa pamamagitan ng mga alternatibong pamamaraan, kung saan hindi na kinakailangan pang magtungo ang estudyante o magulang sa mga paaralan.

Pinalawig din ng DepEd ang enrollment hanggang sa July 15.

 

 

TAGS: ALS, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, enrollees, enrollment, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, ALS, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, enrollees, enrollment, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.