Manicure, pedicure sa mga salon posibleng mapayagan na
By Dona Dominguez-Cargullo July 03, 2020 - 12:58 PM
Hindi na magiging limitado sa hair cut lamang ang serbisyo sa mga salon at parlor.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roquq base sa IATF Resolution No. 51 hindi na magiging limitado sa hair cut ang serbisyo sa mga salon at parlor.
Inatasan ang Department of Trade and Industry (DTI) na mag-isyu ng guidelines para sa gradual na pagbabalik ng iba pang serbisyo.
Dahil dito sa mga susunod na araw posibleng mapayagan na ang manicure, pedicure at iba pang serbisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.