Hindi pag-iisyu ng resibo ng COMELEC magreresulta ng mas lantad na dayaan sa halalan

By Jimmy Tamayo February 23, 2016 - 11:28 AM

GORDON FILED FOR VOTER RECEIPT / FEBRUARY 22 2016 Former Senator Richard Gordon files 'Petition for Mandamus' in the Supreme Court to compel the Commission on Elections to activate the 'Voter Verified Paper Audit Trail' (VVPAT) feature of the automated election in forthcoming national election. INQUIRER PHOTO / RICHARD A. REYES
INQUIRER PHOTO

Mas lantad sa dayaan ang halalan sa Mayo kung hindi mag-iisyu ng resibo ang Commission on Elections.

Ito ang sinabi sa Radyo Inquirer ni Philippine Red Cross Chairman at Senatorial candidate Richard Gordon matapos maghain ng petisyon sa korte suprema na humihiling na obligahin ang Comelec na isyuhan ng resibo ang mga botante.

Ayon kay Gordon, tungkulin ng Comelec ang mag-isyu ng vote receipt o voter verification paper audit trail sa automated election sa Mayo alinsunod sa Section 7 ng Republic Act 9369 o ang Automated Election Law.

“Walang discretion ang Comelec na sabihin na hindi priority, kailangan na gawin nila. Hindi nila pweding sabihin na mahirap, maharap. Hindi nila pweding sabihin na mahaba.” Saad ni Gordon.

Inihalintulad ni Gordon sa bangko, o sa pagsakay ng taxi na iniisyuhan ng resibo lalo kung makina ang gagamitin. “Gusto mong mabilang yun. Meron kang patunay na bumoto ka.” Ani pa ng dating senador.

Sa desisyon ng Comelec, ibinasura nito ang vote receipt sa pangamba na lalong magamit ito sa vote buying.

Ipinaliwanag naman ni Gordon na mas malaki ang tsansa na magkaroon ng dayaan kung walang resibo at wala din aniyang kapangyarihan ang Comelec na ibasura ang proseso dahil nakasaad ito sa batas.

Nagtataka din ang senatorial candidate kung bakit inalis ng poll body ang mga safeguard sa vote counting machine. “They’re not Congress”. Congress lang ang pwedeng gumawa ng batas. ‘Pag gawa na ang batas papairalin ng
ehekutibo at ‘pag hindi pinairal they are liable for violation.”

Dahil dito, nangangamba siya na magkaroon ng dayaan sa halalan.

TAGS: Hindi pag-iisyu ng resibo ng COMELEC, mas lantad na dayaan sa halalan, Richard Gordon., vote counting machine, Hindi pag-iisyu ng resibo ng COMELEC, mas lantad na dayaan sa halalan, Richard Gordon., vote counting machine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.