Sa pagdinig ng House committees on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability, napag-alaman mula kay Amcara Chairman Rodrigo Carandang na bagaman meron lamang block-time agreement sa Channel 43, ang ABS-CBN din ang bumili ng gamit para sa kanila gaya ng transmitters.
Inamin rin ni Carandang na ang signal ng ABS-CBN ang ginagamit nito sa pagbo-broadcast, bagay na kinumpirma ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba base sa pag-iinspeksyon ng kanilang engineers.
Dahil dito, tinawag ni Remulla ang Amcara na moro-moro lang at malinaw na “dummy” ng ABS-CBN.
Inakusahan ng mambabatas ang network na ginagamit na alibi ang block-time arrangement para palusutan ang kapangyarihan ng Kongreso sa pag-iisyu ng legislative franchise.
Dahil dito’y iminungkahi ni Remulla na paimbestigahan na sa National Bureau of Investigation ang bagay na ito, na sinegundahan ng kasamahang si Anakalusugan Rep. Mike Defensor.