Amcara Broadcasting Network, tinawag ng isang kongresista na “dummy” lamang ABS-CBN

By Erwin Aguilon July 03, 2020 - 11:19 AM

Ginisa ni Cavite Rep. Boying Remulla ang Amcara Broadcasting Network tungkol sa arrangement nito sa pagpapalabas ng mga programa ng ABS-CBN sa Channel 43.

Sa pagdinig ng House committees on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability, napag-alaman mula kay Amcara Chairman Rodrigo Carandang na bagaman meron lamang block-time agreement sa Channel 43, ang ABS-CBN din ang bumili ng gamit para sa kanila gaya ng transmitters.

Inamin rin ni Carandang na ang signal ng ABS-CBN ang ginagamit nito sa pagbo-broadcast, bagay na kinumpirma ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba base sa pag-iinspeksyon ng kanilang engineers.

Dahil dito, tinawag ni Remulla ang Amcara na moro-moro lang at malinaw na “dummy” ng ABS-CBN.

Inakusahan ng mambabatas ang network na ginagamit na alibi ang block-time arrangement para palusutan ang kapangyarihan ng Kongreso sa pag-iisyu ng legislative franchise.

Dahil dito’y iminungkahi ni Remulla na paimbestigahan na sa National Bureau of Investigation ang bagay na ito, na sinegundahan ng kasamahang si Anakalusugan Rep. Mike Defensor.

 

 

TAGS: ABS-CBN, AMCARA Broadcasting Network, ANC, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ABS-CBN, AMCARA Broadcasting Network, ANC, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.