Sarangani, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental .

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 52 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-10:32 ng umaga ng Biyernes (July 3).

May lalim na 35 kilometers at tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng lindol.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

Read more...