Mahigit 35,000 na umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19
Simula noong June 12 hanggang kahapon July 2 ay mayroong mahigit 35,000 nang umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.
Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroon nang 35,616 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.
Maaring makita ang listahan ng mga nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/2Ap0lZi
Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.
Bibigyan sila ng quarantine clearance pagdating nila sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.