24-hour na curfew ipatutupad sa Southville 3, Brgy. Poblacion sa Muntinlupa dahil sa mataas na kaso ng COVID-19
Simula bukas, July 4 magpapatupad ng 24 oras na curfew sa Southville 3, Brgy. Poblacion sa Muntinlupa City.
Ito ay dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa naturang lugar.
Sa bisa ng resolusyon, inaprubahan ni Kapitan Allen Ampaya ng Brgy. Poblacion, para maipatupad ang 24-hour curfew sa Southville 3, NHA mula July 4 hanggang July 17, 2020.
Batay sa huling datos, nakapagtala na ng 27 kaso ng COVID-19 sa Southville 3.
Sa pag-iral ng 24 oras na curfew walang residenteng papayagang lumabas ng bahay.
Exempted naman sa curfew kung emergency cases, ang mga bibili ng essential goods at gamot na may Quarantine Pass, ang mga nagtatrabaho sa mga industriya na pinapayagan nang mag-operate, at ang iba pang APOR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.