MRT-3 tigil-operasyon muna sa Sabado at Linggo para mapabilis ang rail replacement

By Dona Dominguez-Cargullo July 03, 2020 - 09:12 AM

Walang operasyon ang MRT-3 sa Sabado (July 4) at sa Linggo (July 5).

Ngayong weekend ang unang weekend na magpapatupad ng shutdown ang MRT-3 sa layong mapabilis ang rail replacement nito.

Ang mga susunod na weekend na titigil sa operasyon ang MRT ay sa August 8-9, August 21-23 at September 12-13.

Para matiyak na may masasakyan ang mga pasahero, 90 bus ang ide-deploy sa ilalim ng MRT-3 Bus Augmentation Program.

Ang unang bus ay aals alas 5:30 ng umaga at alas 8:00 ng gabi naman ang last trip ng bus sa North Avenue at Taft Avenue stations.

Ang loading stations sa southbound ay sa North Avenue station at Quezon Avenue station, habang ang unloading stations ay sa Ayala station at Taft Avenue station.

Ang loading stations naman sa northbound ay sa Taft Avenue station at Ayala station, at ang unloading stations ay sa Ayala station, Quezon Avenue station at North Avenue station.

Ang rail replacement works sa buong linya ng MRT-3 ay nakatakdang matapos sa September 2020.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rail replacement, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rail replacement, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub