Egay humina pa. Signal No. 2 sa tatlong lalawigan.

egay 11am
Mula sa website ng Pagasa

Humina pa ang bagyong Egay at nabawasan na ang bilang ng mga lugar na may nakataas na Public storm warning signals.

Sa 11AM update ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 155 kilometers Northwest ng Laoag City, Ilocos Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers kada oras.

Mabagal pa rin ang galaw nito sa 7 kilometers kada oras lamang. Dahil dito sinabi ng Pagasa na maaring sa Biyernes pa ng umaga lalabas ng bansa ang bagyong Egay.

Sa ngayon tatlong lugar na lamang ang nakasailalim sa signal number 2 kabilang ang Ilocos Norte, Ilocos Sur at Abra.

Signal number 1 naman sa Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands, Northwest na bahagi ng Cagayan, Apayao, Kalinga, Mt. Province, La Union at Benguet./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...