Tanong ng dating Comelec Commissioner: May piggery ba sa Subic? Baka nag-swimming lang mga swine?
Maging ang isang dating commissioner ng Commission on Elections (Comelec) ay hindi nakatiis na hindi magbigay ng reaksyon sa pagtungo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Ocean Adventure sa Subic.
Sa kaniyang tweet, tinanong ni dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, kung “May piggery ba sa Subic?”.
Dagdag pa ni Larrazabal, “baka nag-swimming lang mga swine” sa Subic.
Isang netizen ang nag-reply kay Larrazabal at sinabing siya ay “naughty boy”.
Tugon naman ng dating Comelec official, nagtatanong lang siya dahil hindi niya talaga maintindihan kung paano iyon nangyari.
Umani ng batikos sa social media ang pagbisita sa Ocean Adventure ni Roque na ayon sa kaniya ay side trip lamang ng kaniyang pag-uwi sa probinsya bilang isang APOR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.