Bongbong Marcos, nanguna sa VP survey sa Isabela at Cagayan

By Jong Manlapaz February 23, 2016 - 11:26 AM

PRESCON ON BBL / MAY 5, 2015 Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr speaks during a news conference at the Senate on Tuesday that the Citizen’s Peace Council report on the draft Bangsamoro Basic Law (BBL) showed that the proposed measure should be amended despite Malacañang’s insistence that it be passed in its present form. INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO 

Nanguna si Vice Presidential Senator Ferdinand Bongbong Marcos sa ginawang pre-poll survey na pinangisawaan ng The Issues and Advocacy Center sa Cagayan at Isabela.

Ang IAC ay gumamit ng sampling size ng 800 respondents sa Cagayan at 1,200 sa Isabela mula sa mga registered voters na kwalipikadong bomoto sa eleksyon sa May 9. May margin of error na 2.5% ang naturang survey.

Ayon sa dalawang non-commissioned surveys na ginanap noong Feb. 15-20 sa Isabela at Feb. 15-18 naman sa Cayagan, malaki ang kalamangan ni Marcos sa mga kandidato bilang bise presidente.

Sa probinsya ng Isabela, si Marcos ang pinaboran ng kanyang mga kapwa Ilocano at nagtala ng 42.3.1%, si Sen. Francis “Chiz” Escudero ay nasa ikalawang pwesto na may 21.0%.

Nasa pangatlong puwesto si Bicol Rep. Leni Robredo na may 14.3% samantalang si Sen. Alan Peter Cayetano ay nakakuha ng 12.2%. Nasa huling pwesto sina Senator Gregorio “Gringo” Honasan na may 5% at Antonio “Sonny” Trillanes IV 4%.

Halos kapareho lamang ang lumabas sa survey na ginanap sa probinsya ng Cagayan kung saan muling naguna si Marcos na nagtala ng 43.2% o kalamangan 18.7% kay Escudero na nakakuha naman ng 24.5%.

Pangatlo si Robredo na may 12.0% at pang-apat si Cayetano na may 8.3%. Si Honasan ang nasa ika-limang pwesto  matapos makakuha ng 5.0% at pang-anim si Trillanes na may 4.2%.

Si Marcos din ang nanguna sa mga kandidato bilang bise presidente sa katulad na survey sa Pangasinan na ginanap noong January 10-18, base sa may 1,500 residente ng probinsya.

TAGS: Cagayan at Isabela, non-commissioned survey, Senator Bongbong Marcos., Cagayan at Isabela, non-commissioned survey, Senator Bongbong Marcos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.