Walong volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo July 03, 2020 - 07:59 AM

Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng walong volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon.

Ayon sa Volcano Bulletin ng Phivolcs, nakapagtala din ng moderate emission ng kulay puting steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa hanggang 200 meters.

Noong June 30 ang sulfur dioxide mula sa Bulkang Kanlaon ay nasukat sa average na 136 tonnes/day.

Nananatili sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.

Paalala ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

 

 

TAGS: Inquirer News, kanlaon, News in the Philippines, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, volcanic earthquake, Inquirer News, kanlaon, News in the Philippines, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, volcanic earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.